Blind Item

6:57 PM / Comments (0) / by Aurora National Science High School Batch12

PITIK-BULAG: Isang Blind Item…Siya Mismu!


Ay sinu itung most eligible bachelorette na hinahanapan ng boyfriend ng kanyang mga kaibigan? Sukdulang ibugaw na siya. Ang qualification na lang daw niya ngayun sa boyfriend ay: BASTA LALAKI. Buong akala nang lahat siya ay nalulungkot at nag-iisa.

May mga pagtatangka na ang ilan na hanapan siya ng manliligaw. Ngunit ang mga bubuyug ay mailap. Reklamu niya, matagal na raw na walang nagyayaya sa kanyang makipag-date. Kaya ang mga nakapaligid sa kanya ay naalarma sa kanyang pagkalumbay. Peru yun ang akala nila. Dahil de laang tutuu ang pag-iisa nitu.

Yun pala, siya na mismu ang naghahanap o nakahanap. Isang mapagkakatiwalaang source ang naka-“huli” kay bachelorette. Minsan siyang tumanggi na makipag-meet sa kanyang mga kaklase. Peru sa isang rendezvous, siya ay naispayan ni source. Si source na bihirang mapadpad sa siyudad.

Nakorner siya ni spy nang walang lusot. Dahil dun din pala ang date niya sa tagpuan ng mga kaklase. Sa gulat at pagkabigla ni bachelorette, ipinakilala niya ang “date” sa source nang wala sa oras. Medyu tinagalan niyang mag-stay (kunwaring kamustahan) sa takot na siya ay pagkwentuhan ng mga kaklase. De niya alam ay blind item na siya ngayun ditu.

Sa mga kompetisyon o nagseselos, wag kayung mag-alala at kogkog nyu lang yung date ni bachelorette. Sa itsura pa lang, ay mukhang de na tatagal sa inuman. At saka de na nagtetext yung lalaki kay bechelorette. Kaya, malamang ay wala nang 2nd date na magaganap. Alam niya sigurung napintahan na siya sa mga sulyap-kilatis ng mga kaklase ni bachelorette.

Si most eligible bachelorette ay: always the bridesmaid, never the bride. Nagbitaw siya dati ng salita – sa tatlong malalapit na kaibigang babae na lang daw siya mag-aabay. Pagkatapus nun ay siya na raw ang magiging bride.

Gustu nyu ng clue? Si bachelorette ay ang humalili kay Kate Sanchez bilang Bb. Sigham. Wala pa siyang 100 lbs. De lang niya alam, pero siya ang pinakamagandang most eligible bachelorette. Dahil maski sa mga kapit-blogsite, siya ang crush ng mga lalaki duun. Lahat gustong makuha ang number niya para maka-textmate. At makasama sa piktyuran hanggang sa mga kasalan.

Initials? Wag na at masyadung given. Peru anu baga ang PAID pag pinaiksi?